Maria's POV Hinawi ko ang kamay ni Alas na nakahawak sakin. Hinarap ko siya habang magka-salubong ang mga kilay ko. Umagang-umaga ay nababadtrip ako. "Alas--" "Hindi ka aalis. Mag-uumpisa na tayong mag-jogging." Lalong nalukot ang mukha ko sa sinabi niya. Kating-kati na ako na makausap si Direk tapos pipigilan niya ako. "Kailangan kong kausapin si direk, ano ba?!" Tumitig siya sakin at sinalubong ko iyon ng matalim na tingin. "Makakalabas ka na ng gym ko, Philip." Napanganga ako sa inasal niya kay Philip. "What did you say?" Pikon na tanong ni Philip na nasa likuran ko lamang. "Makakalabas ka na ng kwarto ko. You're not allowed here. Let me remind you, you're not my student." Malamig na sagot ni Alas kay Philip bago ito titigan. "Hindi mo ba ako kilala?!" Maangas na tanong naman ni