Maria's POV Nagpapasalamat ako na umalis rin kaagad si Ate Devon at Mommy. Pakiramdam ko kasi ay naso-suffocate ako kapag nasa iisang lugar kaming tatlo. Para silang mga mean girls na nambubully. Pawisan akong huminto sa pagba-boxing. Lumabas saglit si Alas dahil may kakausapin daw ito na importanteng tao. Kinuha ko ang mineral bottle ko sa bag ko at uminum ng maraming tubig. Nang matapos ay naupo ako sa isang tabi at kinalikot ang cellphone ko. Pagkatapos naming mag-usap ni Alas ay naging awkward na ako kapag kasama ko siya. Naiilang ako o 'di kaya ay dahil masyado akong kinikilig sa kanya? Damn, Maria. Ngunit bakit kay Alas ay parang wala lang? Normal lang siya kapag tinuturuan ako. Kapag nagdidikit nga lang ang mga balat namin ay para na akong sinisilaban sa init pero siya ay seryos