Jazmine’s POV Nagising ako nang maramdaman ang masakit na parte sa aking ulo. Hindi ko kaagad minulat ang aking mga mata sa halip ay akmang hahawakan ko na sana ang aking noo kung saan ramdam ko ang sakit doon pero hindi ko magawa. Nang mamulat ko ang dalawa kong mga mata ay huli nan ang malaman kong nakatali pala ang dalawa kong mga kamay sa silya kung saan ako umupo ngayon. Hindi pa ako makatingin nang malinaw lalo pa at nahihilo pa ako. Nang umangat ang paningin ko ay wala akong magawa kung hindi ang mapakunot ng noo kung nasaan man ako ngayon. Ang mga alikabk sa paligid ang unang bumungad sa aking paningin. Sa unang tingin ko pa lang ay alam ko nang isa itong lumang warehouse gayong halatang-halata ng dalawang mga mata ko ang mga lumang parte nitong gusali. Walang ibang nasa hulin