Azequil’s POV “Iwasan mo si Nadia, Jazz.” Mahinang wika ko. Nasa canteen kami ng engineering kumakain ngayon. Mabilis na bumaling sa akin si Jazmine. Kitang-kita ko sa mga tingin nito ang magulong pag-iisip. Oo, alam kong maguguluhan siya sa binitawan kong katatagan pero iyon ang nararapat. Walang mabuting maidulot sa buhay ni Jazmine ang kaibigan niyang si Nadia. Kung alam lang ni Jazz ang sadya niya kung bakit siya nakikipagkaibigan nito ay tiyak na magababago ang tingin nito sa kanya. Hindi pwedeng manatili sa tabi namin si Nadia ast habang maaga pa ay dapat na putulin na namin ang ugnayan namin sa kanya. Habang maaga pa ay iwasan na namin na maging mas malapit pa sa kanya. Alam kong darating rin ang panahon na si Nadia mismo ang maging dahilan ng pagkakahiwalay namin ni Jazmine