Azequil’s POV “I have something to say, Jazz,” mahinang tugon ko. Nanaig pa rin ang kaba sa aking puso pero wala na akong pakialam kung ano man ang kinahinantnat nito basta ang alam ko lang na gusto kong gawin sa gabing ito ay ang masabi kay Jazmine ang bagay na matagal ko na ring kinikiumkim. Ni isang beses ay hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ito pero ngayon ay pipilitin kong magkaroon ng lakas ng loob para masabi sa kanya ang gusto kong sabihin. Hindi niya ako tinignan sa mata. Matagal ko na itong napansin kay Jazz. Iyong mapapansin ko siyang medyo naiilang na kaharap ako at ayaw kong umabot sa puntong maiilang siya sa akin. Ayaw kong mapalayo sa buhay ko si Jazmine at mas lalong ayaw kong tuluyan na niya akong hindi papansinin dahil lang sa ilang na alam kong