Nadia’s POV HINDI ko alam kung bakit sa lalaking tulad pa niya ako nagkakainteres. Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito sa lalaking tulad ni Zeke. Lalaking alam kong ibang-iba ang buhay na kinagigisnan. Pero wala, eh. Sa unang araw pa lang ng eskwela ay nagkakainteres na ako sa kanya. Unang pagpapakilala pa lang sa akin ni Jazmine kay Zeke ay alam kong nakita ko na ang taong magpapasaaya sa akin. Pero tumigil ang mundo ko nang malamang pagmamay-ari na pala ito ni Jazmine. Kakaiba ako, kapag may gusto ako ay hindi ko hahayaang hindi ko ito maabot lalo pa ngayong isang normal na lalaki lang ang nagugustuhan ko kaya alam kong hindi na mahirap sa akin ang maangkin siya. Ang maangkin si Zeke. Gagawin ko ang lahat mapasaakin lang si Zeke. Oo, alam kong mali. Alam kong mali ang a