Chapter 42 Myra's P. O. V Sobrang dilim ng awra ni John, hindi ako makapagsalita at hindi ko rin maintindihan, ang alam ko lang ay Papa niya ang kausap niya sa banyo. Nung umalis siya ay sinundan ko siya at nakita kong pumasok din sa banyo ang lalake at sinundan si John. Hindi naman ako pwede pumasok sa banyo ng lalake kaya nanatili ako sa labas at nakasandal sa pinto habang nakikinig sa mga sigaw ni John. "Magpahinga ka na," walang emosyon niyang sabi at lumabas ng kotse. Naglakad na ako papasok ng bahay niya, nakita kong tulog na si Mama sa folding bed na nasa sala. Tahimik kaming naglakad patungo sa kwarto. "John..." tawag ko sa kaniya. Nanatili siyang tahimik, pinanood ko lang siyang maghubad ng coat at polo niya. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Pumunta ako sa banyo