CHAPTER 39 Myra's P. O. V Hindi ako mapakali. Nagu-guilty ako ngayon dahil naaawa ako para kay Nhel. I texted him and asked him if we could meet each. He replied 'Yes', so pumunta ako ngayon dito sa McDonald's na malapit sa bahay ni John. I'm waiting for him to arrive when I saw a kid crying. "Pst, bebeh?" tawag ko sa kaniya. Tinignan niya ako at tumigil siya sa pag-iyak. Babae siya at natutuwa ako sa ganda ng dress niyang pink. "Bakit ka umiiyak? Tara dito!" sabi ko. Akmang lalapitan ko siya pero umatras lamang siya. Bakas ang takot sa mga mata niya. "ANGELICA MIYKAL!" sigaw ng isang lalake na nakasuot ng Doctors uniform. Hingal na hingal siyang tumatakbo papunta sa bata. "Anak!" sabi niya at agad na lumuhod para yakapin ang bata. "Pasensya