CHAPTER 36 Myra's P. O. V Kinabukasan, mag-isa na lang akong pumasok dahil naging busy na ulit si Nhel. Wala namang paramdam na sa akin si John. Gusto ko sana siya tanungin kung totoo ba yung sinakay niya si Ma’am Jillean sa kotse niya. Nakakainis! Kinuha ko ang attendance ko at inilagay sa gadget na kung saan nilalagay ang oras kung kelan ka dumating. Binalik ko na iyon sa teacher's schedule. Naisipan ko namang tignan ang kay John. "Wala pa siya..." bulong ko. Tinignan ko ang oras. 7:25 na. 5 minutes nalang at late na siya. Nagkibit balikat nalang ako at nagtungo na sa room. Inayos ko ang gamit ko at nag ayos ng scores ng mga estudyante ko sa laptop. "Sir John!? Okay ka lang ba?" narinig ko ang boses ni Mam Jillean. Tumingin ako sa bintana. Naki