Kabanata 25 Sobrang hapdi ng mga mata ko. Hindi kasi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil kay Hayden na hindi ko alam kung ano ang ginagawa. Ilang beses ko siyang narinig umungol. Pati ang langitngit ng kama niya ay rinig na rinig ko rin. At ilang sandali lang ay nabalot ng amoy ng zonrox ang buong kwarto na hindi ko alam kung saan nanggaling. Gusto ko pa sanang hanapin kung saan ‘yon nanggaling pero hindi ko na lang ginawa dahil may kung anong pumipigil sa akin na gawin ‘yon, siguro ang takot na baka kung ano pang makita ko kapag iminulat ko ang mga mata ko. “Are you okay, Laleng?” tanong sa akin ni Hayden. Kasalukuyan kaming nasa labas ng bahay at naglalakad-lakad. Pansin kong nagagalaw na nang maayos ni Hayden ang paa niya at tingin ko’y ‘di magtatagal ay makakabalik na siya sa trab