Kabanata 27 Tulala ako habang inaayos ang mga halaman sa gilid ng bahay. Hindi mawala-wala sa isipan ko ang nangyari kanina sa banyo. Kahit hindi ko ipikit ang mga mata ko ay kita ko ang hubad na imahe ni Hayden na tila ba’y permanente nang nakamarka sa aking paningin at isipan. Dinig ko rin ang impit niyang mga ungol at hayok niyang pagtawag sa aking pangalan. Kahit takpan ko ang tainga ko ay hindi umeepekto. Makailang beses ko nang sinubukang alisin sa isipan ko ang nangyari sa amin, ngunit parang isa itong mantsa sa putting tela na hindi maalis-alis. Napabuga na lang ako ng hangin bago pinagtuunan ng pansin ang mga ligaw na dámo at pinagbubunot. Pero ilang saglit lang ay muli akong napatigil at nakagat ang labi dahil sa inis—inis hindi kay Hayden kundi sa sarili ko. Hindi ko rin mai

