Hawak-hawak ko ang cellphone ni Aivan at kasalukuyan ko 'yong iniinspeksyon. Binuksan ko ang inbox at wala naman akong nakita na iba niyang ka-text maliban sa akin at kay Tita Cassandra. Napa-irap tuloy ako, sabay baling ng tingin kay Aivan na ngayon ay ngingiti-ngiti habang kumakain ng fries. "Sabi ko naman sa'yo, wala kang mababasa diyan..... Ayaw mo namang maniwala na wala akong babae." Aniya pa habang ngumunguya ng paborito niyang fries. Umiling naman ako, "Eh paano kung binura mo kanina ang mga messages? Ha?" "Eh di sige.... Tignan mo ang logs ko diyan. Tapos, tignan mo na rin ang mga nasa phonebook ko. Tignan mo kung sino-sino ang mga naka-save sa contacts ko." Nagmamayabang na sabi pa niya. Hindi naman ako nag-atubili pa kaya tinignan ko na ang logs pati na ang mga nasa phonebo