"Are you really sure na hindi ka na galit sa akin?" He's asking me that question over and over again. I rolled my eyes, "Alam mo.. Sobrang kulit mo." Nakita ko naman ang pagkamot ni Aivan sa ulo n'ya. "Sinisigurado ko lang naman hindi ka na talaga galit sa akin. Para naman mamayang gabi, makatulog ako ng maayos." Katatapos lang ng last subject ko, at kasalukuyan kaming nasa library dahil nagpapatulong si Aivan sa akin dahil exam na nila bukas sa integral calculus. Hindi ko nga masigurado kung ano ba talaga ang ipinunta namin dito sa library— mag-aaral ba, o magke-kwentuhan lang. In the end, naturuan ko na rin naman siya ng tungkol sa subject niya. Sabi niya sa akin ay medyo nahihirapan daw siya sa integral calculus pero nang maturuan ko siya ay agad rin naman niyang natutunan ang nga t