"Bakit ba kasi hindi mo ako pinapansin? Wala naman akong ginagawa sa'yo ah!" Napasimangot ako nang makita kong naghubad si Aivan nang suot niyang polo at sando, pagkatapos ay nahiga na sa kama ko. "Hindi ka sa kama ko mahihiga!" Ang naiinis na sabi ko sa kanya, kinuha ko ang unan na yakap niya at saka iyon inihampas sa kanya, "Umalis ka diyan! Saan ako mahihiga ngayon ha?!" Nakakainis! Dapat pala ay hindi na ako pumayag na dito siya matulog sa dorm ko. "Hmmm." Nagkunwari pang natutulog si Aivan kaya mas lalo talaga akong nainis. Hinila-hila ko pa ang braso niya, "Tayo na kasi! Ano ka ba?!" Sabi ko pa. "Ano sabi mo?" Aniya at ngumisi. "Tayo na! Diyan ako!" Sabi ko habang sumisiksik ng higa sa tabi niya. Sinisiksik ko siya para mahulog siya sa isang gilid, pero si Aivan ay panay halak