"Hindi mo pa rin kinakausap?" Tanong sa akin ni Liz. Kakatapos lang ng klase namin ni Liz, kasalukuyan kaming nasa gymnasium para manuod ng basketball game nila Jao at Zach. Wala rin naman akong gagawin sa bahay, isa pa ay wala rin namang ipinapagawang assignments ang mga Professors namin. Umiling ako pagkatapos ng isang mahabang buntong hininga, "Ayoko. Hindi ko pa kaya." Sagot ko sa kanya. Hindi naman kasi madaling patawarin ang lahat ng mga ginawa at sinabi ni Aivan sa akin at lalo na sa Mama ko. Masakit, oo. Hindi ko lang talagang kayang makalimutan sa ngayon ang lahat ng iyon. Kahapon, nakita ko na naman si Aivan sa labas ng school namin. May hawak na isang box ng chocolates, ibinibigay niya sa akin at nanunuyo pa. Pero hindi ko naman tinanggap, ayaw ko nga siyang kausapin, eh. Ay