CHAPTER 28: Agreement LEIZER CHROLLO'S P.O.V "Kumusta na ang pakiramdam mo? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni Melissa kay Lia dahil kakarating lang nila sa hospital ulit. "Ayos na 'ko Mel," "Mabuti naman kung ganun hija, pinag-alala mo kami ng sobra." Malungkot na turan naman ni Manang Elena kay Lia at nakita ko namang ngumiti ng malungkot si Lia sa ginang. "Pasensya na po manang kung pinag-alala ko kayo ng sobra, h-hindi ko lang po kasi agad naisip ang posibleng mangyari kung namatay nga ako..." Sabi ni Lia sa kanila at nakita ko namang ngumiti ng malungkot sila manang. "Basta hija 'wag mo na ulit uulitin yun ha? Hindi mo ba alam na maraming nagmamahal sa 'yo? Isa pa paano ang baby n'yo ni Sir Leizer kung may nangyari pa lang masama sa 'yo?" Paalala ni Manang sa