CHAPTER 35: Destined THIRD PERSON'S P.O.V Nang makaraan ang isang linggo ay hindi pa rin ulit nagkikita si Lewis at Yuki kaya naman isang linggo rin naghintay si Lewis sa convinient store kung saan sila nagkita noon ni Yuki dahil umaasa siyang makikita niya si Yuki dun. Sa loob din kasi ng isang linggo matapos nilang mag-usap ni Yuki nun ay hindi na mawala sa isip niya ang dalaga at bukod pa dun ay hindi pa rin makamove on si Lewis sa nakaraan nila ni Lia. At dahil naguguluhan si Lewis ay nagpasiya na lang siyang magpunta sa mansyon ni Leizer para kamustahin si Lia dahil nalaman niyang bukas na nga pala ang kasal ng dalawa. Nang makarating si Lewis sa tapat ng mansyon ni Leizer ay nakaramdam siya ng kaba dahil ilang araw na rin simula ng manggulo siya sa mansyon ng mga magulang niya a