Chapter 54 Daria's POV: Nang umuga ang kweba nahulog kami ni Theo sa Tubig. "Daria--."bago pa matapos ang sasabihin ni Theo hinalikan ko ang kanyang mga labi na saktong pagbulusok namin sa ilalim ng dagat ng maghiwalay ang labi namin. "P-patawarin mo ako T-Theo gusto ko man makasama ka habang buhay hindi pwede puro kapahamakan lang ang binibigay ko sayo--sainyo patawarin mo ako kung gagawin ko ito ulit."ani ko bago idikit ang daliri ko sa noo ni Theo na walang malay sinadya kong patulugin siya habang nasa ilalim dagat. Dahil alam ko isang salita niya lang na wag kahit ang puso at katawan ko hindi sumasangayon sa gusto kong mangyari. "M-mahal na mahal kita Theo patawarin mo ako."umiiyak na sambit ko at niyakap si Mister habang nasa higante kaming bula. "Patawarin mo ako*sob*."ani ko

