Chapter48 Theo Frenier POV: "Anong ginagawa natin dito Theo?."tanong ni Hunter ng makarating kami sa floor kung nasaan ang room namin. "Yung bag ko naiwan ko dito may kailangan lang ako kunin."sagot ko at sinipa yung pinto ng may sumalubong saming dalawang halimaw mabilis silang hinampas ni Hunter. "Bilisan na natin."ani ni Hunter ng makapasok kami. Nang makita ko ang bag ko mabilis ko yung dinampot sa sahig at hinalungkat. "Ito yun."ani ko at dinampot yung libro na nakuha ko sa library sa mansyon lagi ko itong dala dala dahil bawat araw may nadadagdag, nawawala o nababago. "Bilisan na natin may mga halimaw na papataas."ani ni Niveas mula sa labas kaya mabilis kaming tumakbo paalis ng silid. Hindi kami pwede gumawa ng kahit anong gulo dahil mas lalo lang sila dadami dahil sa ingay.

