Chapter43 Theo Frenier's POV: "Magpahinga na kayong lahat."utos ko ng mapansing nakaligo na ang lahat buti na lang may mga nadalang damit sina Hunter nung kumuha sila ng supply. "Yung mga babae dun kayo sa pinakadulo pakidikit dikit niyo na yung tatlong kama Niveas."ani ko at umupo sa sofa habang sumisimsim ng kape. "Salamat."rinig kong sambit ni Nikki. "Yippee hihi lambot!."napatingin ako sa pitong bata na tinutulungan ng mga babaeng sumampa sa kama para matulog habang yung mga batang lalaki tinulungan ni Val na sumampa sa kabilang kama na hindi nakadikit sa tatlong kama. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nanibago sa ganitong buhay. Ilang araw palang kami sa outbreak pero ganito na. "Naayos ko na ang mga supply natin ng pagkain,Ithink aabot pa yun ng tatlong araw madami ka