CHAPTER 44

2079 Words

• JESSICA POV • NAKAUWI na ako sa condo at nandito ako ngayon sa tapat ng pinto ng unit namin. Mag aalas-nueve na ng gabi pero ayoko pang umuwi, hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. “Hon? Anong ginagawa mo dito?” Napitingin ako sa harap ko ng biglang bumukas ang pinto at lumabas si Rylan. “I just got home,” sabi ko sa kanya sabay ngumiti ng pilit. Niyakap niya ako kaagad. Ang higpit ng mga yakap niya sa akin na akala mo ay hindi na niya ako bibiyawan. “Kanina pa ako nag-aalala sa’yo.” Kumalas siya tsaka tumingin sa mukha ko, hinaplos niya ang mga pisngi ko. Hindi ako gumalaw at dinama ang mga haplos niya habang nakatingin lang sa mga mata niya. “Bakit mo nagawa sa akin ito Rylan? Naging masama ba ako sa’yo?” Gusto kong itanong sa kanya ang mga salitang iyan pero hindi ko magawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD