• JESSICA POV • “Hindi ka sasama?” Tanong ko kay Rylan. Pupunta kasi kami nila Mama ngayon sa hospital para dalawin si Ziane. Nasa sala ang mga magulang ko dahil sinundo ako. “May kailangan pa kaming puntahan ni Kuya Marcus, Hon.” “Ok sige. So paano? Aalis na kami.” Lumabas na kami ng kwarto para puntahan sina Mama sa sala. “Let’s go na.” Tumayo na sila at dumeretso na sa pinto. “Hindi ka ba sasama hijo?” Tanong ni Papa. “Busy ‘yan Papa, may inaasikaso silang bagong project ng mga Pinsan niya.” Sabat ko. “Ganon ba, o sige mauna na kami.” “Mag-ingat po kayo.” Hinalikan ako ni Rylan sa pisngi bago isinara ang pinto. “Nak, nakapili na ba kayo ng mga abay niyo? Wag mo kalimutan ang kapatid mo ha?” Tanong bigla ni Mama nang makasakay na kasi sa sasakyan. Nasa harap sila Napag-usa