• JESSICA POV • NAKANGITI kong pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan ng biglang may lumapit sa harap ko. Hindi ko ito kilala dahil nakasuot ito ng puting hoodie jacket at nakalagay ang hood nito sa ulo niya kaya natatakpan ang mukha niya. Unti-unti niya itong tinanggal. Mabilis na kumalabog ang dibdib ko dahil sa takot lalo nan ang ngumisi pa ito sa akin. Hindi ko maigalaw ang mga katawan ko. Gusto kong tumakbo palayo pero parang nasemento na ang mga paa ko sa lupa. “Long time no see. Jessica?” Nakangiting sabi nito. “Wil… Fran?!” utal na sambit ko. Lumapad ang mga labi niya. “Ako nga. Miss me? Akala ko nakalimutan muna ako e, magtatampo talaga ako sayo niyan.” Lumuhod ito para mapantayan niya ako tsaka niya hinawakan ang mukha ko. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko sa mga