On leave pa din naman si Ezekiel kaya pagsapit ng araw ng Lunes, gulat na gulat si Selena nang paglabas niya sa studio mula sa 7:00 pm news ay nasa lobby si Ezekiel at naghihintay sa kaniya. “Sir Zeke! Balik news na po ba kayo ngayon?” “Hi Selene. Actually no, naka-leave pa ako until end of February. Ikaw talaga ang sinadya ko dito.” “Ho? Bakit po? May kailangan po ba kayo sa akin?” “Yes Selene. But we can talk over dinner.” “Okay sige, sure po.” Nakahinga nang maluwag si Selena dahil mabuti na lang hindi siya susunduin ni Lino ngayon. Hahanap pa ako ng tamang timing para sabihin ang tungkol kay Lino. Si Ezekiel na ang pumili ng kakainan nila. Sa isang Vietnamese Restaurant niya dinala si Selena. “Wow, iba na naman ‘tong pinuntahan natin Sir, ah.” “Yes, alam ko hindi ka p