Halos hindi makatulog si Ezekiel dahil sa ginawa ni Selena. Napansin niyang pasikat na ang araw nang lumabas ng kuwarto si Lola Fely. He also got up para sabayan nang mag-almusal si Lola Fely. Sina Selena at Lino ay natutulog pa sa magkabilang silid. “Good morning, La!” “Oh, iho, maaga pa. May news report ka ba ngayon?” “Wala po, La, Sabado po ngayon.” “Siyanga pala. May lakad ka ba?” “Wala din, La. Maaga lang po ako nagising.” “Hindi ka siguro makatulog. Naiisip mo siguro si Ma’m Eliza, ano?” Lola Fely teased him while making his coffee. Natawa si Ezekiel sa sinabi ni Lola Fely. “Ikaw, La ha…pero tama po kayo, naiisip ko nga po siya.” Pagsisinungaling ni Ezekiel. Dahil ang totoo, alam niya na it was Selena why he couldn’t sleep. Kanina pa kasi niya iniisip nang mabuti ang na