Makalipas ang tatlong buwan, abalang abala na din si Selena sa school. Marami ang humahanga sa kaniya hindi lang dahil sa ganda, kundi dahil sa husay at talino na din. She gained lots of friends lalo yung mga nakakasama niya sa school activities. Isa si Helen sa mga naging close niya. Madalas niya itong kasabay sa pagkain at sa pag-uwi dahil iisa lang ang way ng uwian nila. “Mabuti ka pa, Selene, nagwu-work ka na.” Habang kumakain sila sa canteen ay nasabi ito ni Helen kay Selene. “Eh kasi kailangan ko mag-work. Kung hindi, wala kaming kakainin ng lola ko.” “Hindi ka ba nahihirapan sa schedule mo?” “Hindi naman. Mabuti nga at three days lang tayo sa school, walang pasok ng Tuesday at Thursday. Kahit papaano nahaharap ko yung mga task ko sa work.” “Paano nga pala sa Saturday? Sas