Ang isang linggong weather broadcasting ay naging isang buwan dahil hindi pa nakakabalik ang regular broadcaster. “Lino, bukas bibili na ako uli ng damit, pwede mo ba akong samahan?” Selena asked Lino one day while they were having dinner. Mula nang pumasok ang taon, halos tatlong beses sa isang linggo kung magpunta si Lino kay Selena. Nasanay na nga si Selena na palagi na niyang kasama si Lino. “Sure, what time? Wala ka na bang masusuot?” Tanong ni Lino habang kumakain sila. “Yung pinamili ko last time, napag-mix and match ko na for two weeks. Kaso extended na daw ang broadcast ko hanggang end of month.” “Okay yan ah. Ibig sabihin gustong gusto ka talaga nila.” “Mukha naman, at masaya talaga ako.” “Masaya din ako para sa ‘yo Selene.” Nginitian ni Lino si Selena, sabay pinunasan