Selena recovered in two days. Sa loob ng dalawang araw na iyon, minsan lang siyang iniwan ni Ezekiel, nang pumunta lang ito sa poultry farm para harapin ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga nawawalang imbentaryo. Matagal na ang dalawang oras na pamamalagi niya sa farm, bumabalik na agad siya kay Selena para asikasuhin ito. Habang nakaharap si Ezekiel sa mga report niya sa laptop, napansin niyang kumilos si Selena. Pag lingon niya ay sinusubukan na nitong maupo. Mabuti at wala na itong suwero sa kamay, the doctor removed it during his rounds earlier. “Oh, huwag mong pilitin kung di mo pa kaya.” Lumapit si Ezekiel sa kaniya para alalayan siya. “Kaya ko na po.” Mahinang sagot ni Selena. “Good. I’m glad that you’re fine now.” Naupo si Ezekiel sa kama paharap kay Selena. “Kaya mo na ba