Pagdating nila sa Maria’s Foundation, masaya silang sinalubong ng Management ng Foundation. Pagdating sa opisina ng Foundation, nagpakilala si Selena at ipinakilala na din niya sina Helen at Jericho. “Natutuwa naman po kami at pinili niyo ang Foundation namin para sa outreach ninyo.” Saad ni Ms. Fernando pagkatapos ipaliwanag ni Selena ang sadya nila. Si Ms. Fernando ang Supervisor ng Maria’s Foundation. “Malapit po sa puso ko ang mga katulad nila na biktima ng karahasan.” Sagot ni Selena. “Ms. Sanchez, kung hindi pa po ninyo alam ang history ng Foundation, sa ganiyan din po nagsimula ang founder nito. Malapit din sa puso niya ang mga biktima dahil siya mismo ay naging biktima ng rape noong kabataan niya.” “Ho? Talaga po?” Nanlalaki ang mga mata ni Selena nang marinig ang sinabi ni