NAKASUNOD sa akin ni Kiel pagpasok ko sa aking opisina. We have just closed a deal with a new investor. Matutuloy na rin ang matagal nang plano ni Kiel na doblehin ang produksiyon sa Hayal at makapag-export sa iba pang bansa na may limitadong lingerie production. “Mukhang sa atin ang araw na ‘to,” wika ni Kiel na naupo sa sofa. Dumirecho naman ako sa swivel chair ko at humarap sa direksiyon niya. “Bukod sa nagkapirmahan na tayo kay Mr. Wu, kanina ko pa napansin na maganda ang mood mo. May nangyari ba?” Natawa ako sa sinabi ni Kiel. “Anong ibig mong sabihin sa tanong mo? Lagi namang may nangyayari. Araw-araw, iba’t ibang pangyayari ang dumadaan sa buhay ng mga tao.” “I’m talking about you and Annie. Ano? May nangyari ba?” Sandali akong tumahimik at pinagmasdan si Kiel. Hindi ko napigil