PINAGMASDAN ko si Jeff habang malugod na kinakain ang iniluto ko for our dinner. I have no plans on spoiling our evening. Isinantabi ko sandali ang mga isipin at agam-agam. Hinayaan ko muna na i-celebrate namin ni Jeff ang bagong opportunity na dumating sa akin. “This is now my new favorite,” tukoy niya sa pasta dish na ginawa ko. Napangiti ako. Isang oras pagkaalis kanina ni John ay dumating si Jeff. He bought me flowers and a bottle of champagne. Sobra akong natuwa sa pagkamaalalahanin niya. “Magsi-start ako sa agency the day after tomorrow. Kinakabahan ako, sa totoo lang.” Ngumuso si Jeff. “That’s normal, I think. Pero alam kong kakayanin mo. Maswerte nga sila dahil sila ang napili mong aplayan ng trabaho.” Napatawa ako. “Masyado kang bilib sa akin.” “Oo naman. Ikaw lang diyan an