“TUMAWAG si Annie sa sekretarya ko. Darating daw bukas ng hapon ang mga modelo rito sa Hayal.” Mula sa ginagawa ko ay napatingin ako kay Kiel. Naupo siya sa sofa na nasa gawing kanan ng mesa ko. Umayos ako ng upo at iniikot ang swivel chair paharap sa direksyon niya. “I asked Roselle to assign somebody who will assist the models. Bakit kasi hindi ka pa mag-hire ng sariling sekretarya mo?’ Hindi ko pinansin ang tanong ni Kiel. “Bakit sa secretary mo tumawag si Annie at hindi sa akin? Ako ang nag-request na papuntahin dito sa office ko ang mga models.” “I don’t know. Baka busy ang linya mo kanina kaya kay Roselle siya tumawag. Why don’t you call and ask her?” Natigilan ako sandali. Nagbuga ako ng hangin pagkatapos. “No need. Maghihintay na lang ako bukas ng hapon.” “May problema ka