MAINGAT kong hinahaplos ang pisngi ng natutulog na si Annie nang maistorbo ako ng pagring ng aking cellphone. Dahan-dahan akong bumangon at kinuha ang cellphone sa ibabaw ng side table. Hindi nakarehistro ang numerong tumatawag pero, sinagot ko na lang dahil baka mamaya ay galing sa mansion ang tawag o kaya ay sa Hayal. “Hello? Who’s this?” “Hello! Jeff, hi! This is Trisha.” Nagusot ang noo ko. “Trisha… who?” “Kaibigan ako ni Ellie, remember? The Idea House. ‘Yong pamangkin ni Miss Lourdes de Claro na ipinakilala sa’yo ni Tita Annie noong isang gabi.” Naalala ko naman agad ang gabing tinukoy niya. I was supposed to surprise Annie that night dahil tumawag ako sa kaniya na hindi ko siya masusundo pero, ang totoo ay nasa basement na ako ng building nila noong oras na ‘yon. “Yes, I re