NAKAHINGA ako nang maluwag nang matapos ang meeting ko sa bago naming kliyente. Pagkahatid nina Ricky at Yunna sa dalawang representatives ng isang cosmetics company ay lumabas na rin ako ng meeting room at bumalik sa opisina ko. Nakaupo na ako sa swivel chair nang tumunog ang cellphone ko sa pumasok na mensahe. Nagrigodon ang dibdib ko nang makita ang pangalan ni Jeff. Binuksan ko ang text message niya. Jeff: I miss you. Muntik na akong mapangiti kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Ibinaba ko ang cellphone ko at hindi na nag-reply. I know what Jeff means by missing me. Pareho lang kami. Hinahanap rin siya ng katawan ko at nahihiya man akong aminin ay hindi ko mapigilang balik-balikan sa isip ko ang mga ginawa namin kagabi. Hinarap ko na ang iniwan kong trabaho bago dumating k