“Wow vakla ang ganda mo naman! Pak na pak ka ngayon ah!” Bungad sa’kin ni River nang makapasok na kami sa loob ng stadium kasama ang mga magulang ko at ang anak kong si Gunner. Graduation day na namin ngayon at ito ang araw na pinakahihintay ko ang pagtatapos ng aking pag-aaral at sa wakas ay natupad na rin ito. Kanina ko pa tinatawagan si Rocky pero hindi ito sumasagot. Ang sabi niya ay susunod na lang daw ito dahil may inaasikaso lang daw siyang mahahalagang negosyo kasama si Gascon. “Syempre ‘no special day natin ngayon eh.” Pagkasabi kong iyon ay nagpalinga-linga pa ako para hanapin si Rocky ngunit hindi ko pa rin siya makita. Para na akong maiiyak dahil mukhang hindi yata siya makakarating ngayong graduation day ko. Nahalata naman ito ni daddy at tinapik ang aking balikat kaya nag
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


