Marahan kong iminulat ang aking mga mata at kaagad kong nabungaran si Ianne na mahimbing na natutulog at naka unan sa aking isang braso. Napangiti na lang ako dahil tila parang isang panaginip lamang ito. Hindi ko naman akalain na mamahalin din niya ako tulad ng nais ko noon pa lamang. Hinalikan ko siya sa kaniyang noo at dahan-dahang tinanggal ang braso ko sa kaniya at tumayo sa kama. Isinuot ko ang boxer shorts ko na nasa upuan at muling tinitigan si Ianne. Mayroon pa akong isang bagay na hindi masabi-sabi sa kaniya, iyon ay tungkol sa totoo niyang mga magulang. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya ang sinapit ng kaniyang ama, ito rin ang dahilan kung bakit natatakot akong malaman niya kung sino talaga ako. Nagpunta ako sa kusina para magluto ng aming almusal. May mga stock

