CHAPTER 29

1668 Words

Nasa sala ako at tahimik lang na umiiyak, naalala ko ang itsura ni Rocky kanina at kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Alam ko sa sarili ko na mahal ko siya pero noong makita ko naman si Aries ay hindi na pagmamahal ang nararamdaman ko para sa kan’ya kun’di guilt. May kasalanan ako sa kan’ya dahil nagpadalos-dalos ako ng desisyon at napadpad ako rito ngayon at nakilala ko naman si Rocky na hindi ko akalain na mamahalin ko. Nakaupo ako at sapo ko ang aking dibdib dahil ako ang nasasaktan nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Rocky kanina. Sa gaanong ayos naman ako naabutan nina lola Minda at lolo Tacio na kararating lang galing sa kanilang pinuntahan. Kaagad akong nilapitan ni lola Minda at niyakap na parang alam na niya ang nangyari sa akin. “Apo kung ano man iyang dinaramdam mo ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD