Magkakaharap naman kami sa hapag kainan at katabi ko si Aries at kaharap ko naman si Ellie at Roco. Pansin ko na matalim ang titig ni Rocky kay Aries at ganoon din si Aries sa kaniya. Halata naman sa malanding pinsan ko na kilig na kilig siya kay Rocky dahil panay ang hawak nito sa kaniyang braso na ikinainis ko pa. At nang dumating na ang pagkain namin ay si Ellie na ang nagsandok sa kaniya ng pagkain at bigla naman napabaling ang tingin ni Rocky sa akin na ikinaiwas ko. Parang gusto kong sumabog sa galit dahil mahigit isang buwan ko siyang hinintay tapos malalaman kong pinagpalit na pala niya ako sa haliparot kong pinsan. Hindi ko ito pinahalata sa kanila bagkus ay pinakalma ko ang aking sarili dahil ayokong maging katawa-tawa sa kanilang harapan at lalong-lalo na kay Ellie. Pinagsando

