Naisipan ko namang magswimming dahil masyado na akong naiinip dito sa bahay at wala man lang akong makausap. Si River naman ay nasa kanilang kumpanya dahil maaga na siyang tinuturuan ng kaniyang ama sa pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo. Nasa pool na ako ng bigla namang tumatawag si Aries sa aking telepono. Matagal bago ko ito sagutin at huminga muna ako nang malalim. “Hello Aries?” “Hi hon, dadaan pala ako riyan tutal maaga natapos ang meeting ko ngayon.” Ngumiti na lang ako dahil alam ko na alam niya na hindi na kami puwedeng bumalik sa dati dahil iisa na lang ang nilalaman ng puso ko. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Hindi ko alam kung paano nakilala ni Rocky si Ellie at naging kasintahan niya pa ito. Siguro ay tama nga si River inakit niya si Ellie o baka ginawa niya rin kay

