IBINALING ni Paola ang tingin kay Joaq matapos mabasa ang pangalawang email nito sa kanya. Hindi pala iyon na-send noong araw na umalis ito at napunta lang sa drafts. Nagmadali kasi ang loko at pinatay agad ang data connections. Pero kahit hindi na-send iyon sa kanya, hihintayin pa din niya ito kahit abutin pa siya nang pagputi ng buhok niya. Hindi pa dapat iyon i-se-send sa kanya, pinilit lang niya ito. Apat na buwan na ang lumipas mula nang magkabalikan sila. Ngayon balik sila sa dating gawi, minsan isang linggo o dalawa siya mag-stay sa suite nito at gano’n din naman ito sa condo unit niya. May mga pagkakataon na tatlong araw sila hindi nagkikita dahil sa pagka-demanding ng trabaho nito. Pero kapag nagkita naman sila, talagang mapupunan iyong mga araw na hindi sila magkasama. At ngayo