PATRICIA CASTILLO POV Someone knocked on the door. Napaangat ang tingin ko ng makita si Leila at Chloe ang kumakatok. “Come in.” Binigyan ko ng makabuluhang ngiti ang mga ito. “Adik lang kung makangiti? Girl, alam naman namin kung gaano ka ka-inlove ngayon.” Tukso ni Leila. “Career daddy na talaga ‘yang jowa mo sa mga chikiting mo, ah! Kung hindi pa talaga na-kwento ni Chloe, hindi ako kikiligin, girl! Ikaw na talaga!” dugtong pa nito. “Pumunta ba kayo rito para manukso?” ngising tugon ko sa mga ito. “Office hour ngayon, gusto niyo bigyan ko na lang kayo ng memo.” “Nakakatakot ka, Ma’am Pat!” Sabat ni Chloe na may nakakalokang tawa. “Since hindi ganun ka-busy kaya lang kami pumunta rito. Kahit papaano makapag-pahinga naman kami. At saka pwede naman tayo mag pretend na may meeting para