PATRICIA CASTILLO POV “I-served nyo na yung mga drinks. Mag refill na din kayo sa mga trays, medyo marami pang guest ang hindi kumakain.” Utos ko sa mga waiter at waitress. Medyo malaki ang event na ito at maraming guest. Ina-assist ko ang iba pang empleyado. Umikot ako sa buong hall just to make sure na walang magiging problema sa event na ito. Kasalukuyan akong nakikipag-usap sa isang guest ng may humawak sa balikat ko. Hindi ko muna iyun pinansin at tinapos ko ang pakikipag-usap sa taong kaharap ko. Paglingon ko ay napaangat ang tingin ko ng si Patrick ang makita ko. “Chairman.” Gulat na tawag ko sa kanya. Napapitlag ako at mabilis na dumistansya. “By the way nasa akin ang mga gamit mo. Pinauwi ko na si Chloe na dapat magdadala ng gamit mo.” Sabi nito. Tumango lang ako at napukaw