PATRICK SY POV “Ano ba ‘to? O ito? Bakit ganyan yan? Matagal na kayo sa trabaho niyo, ganyan pa kayo magpasa ng report sa akin? Kung noon, pinagbibigyan mga pagkakamali niyo, pwes ako hindi. Isang mali at basura lang ipasa niyo sa akin, ikakabagsak ng kumpanya! Sabagay, baka nagsasawa na kayo mag trabaho at gusto niyo na matanggal.” Papasok pa lang ako sa opisina ay rinig na rinig ko na ang umaatungal na boses. Habang mas palapit ako ay nakikilala ko ang boses na iyon. Hindi napansin ng mga ito na nabuksan ko na ang pinto, dahil tuloy tuloy pa rin ang pag ra-rants nito. “Oh ikaw?! General Manager ka pa man din, hindi mo magawa ang trabaho mo? Paano ka pa naging general manager kung ganyan ka mag trabaho!” Nag pantig ang tenga ko dahil sa sinabi ni Mia. Halos lahat ng empleyado ay naka