MIA SANCHEZ POV “Nagmahal lang naman ako pero bakit parang ang laki ng kasalanan ko sa mundo? Masama bang umasa sa isang bagay na dati naman naging sayo? Mali ba na mag pursige na makuha muli ang pagmamahal ng minamahal mo?” Parang isang sampal sa mukha ko ang mga sinabi ni Patrick! Ang pag-asa ko na makuha siya ay dumating sa punto na kinamuhian niya ako. Sa sandaling iniwan ako nito sa fire exit, hindi ko na napigilan na umiyak at ilabas ang sakit na nararamdaman ko. Ang hirap huminga! Namumugtong mga mata ang tinago ko sa aking salamin na suot pabalik sa aking kwarto. Agad kong tinawagan si Daddy, pagkatapos ng nangyari. Si Daddy lang ang nakakaintindi sa nararamdaman ko. Dahil malayo ito sa akin, mas lalo akong nangungulila at nalulungkot. I started crying again when I heard his s