PATRICIA CASTILLO POV Sandaling oras na lang at matatapos na ang event. It’s almost 9:30 in the evening, at ang hinihintay na lang ng mga guest ay ang mga Sanchez na magsalita sa stage. “Mars! Exhausted na talaga ako. Gusto ko na talaga matulog.” Ani Chloe sa amin habang inaayos na ang mga bagay sa event upang kaunti na lang ang tatapusin namin trabaho mamaya bago umuwi. “Matatapos na ang event, konting kembot na lang. May Sabado at Linggo tayong pahinga.” “Hindi ko makakalimutan ang sinabi mo! Bukas magwawalwal talaga ako sa bahay niyo.” “Oh yes! All are set. Cheer up!” Ngising sabi ko. Napahinto kami sa aming ginagawa nang magsalita na ang MC at tinawag na ang pamilya Sanchez sa Stage. Successful talaga ang event ngayon, at maraming mag be-benefit na charity organization dahil dit