PATRICIA CASTILLO POV Everytime na naalala ko siya, lahat nanananira sa aking isipan. Kung gaano kami nagsimula ng masaya hanggang sa maghiwalay ng may kalungkutan. Masaya na kasama ko siya kasama na bumuo ng pamilya. Kung paano siya naging responsable at mapagmahal na asawa at ama sa aming mga anak. Ang kalungkutan na iniwan niya simula ng mawala siya ay dadalhin ko hanggang sa aking huling hininga. “It’s been 6 years, Ziggy. How could I wish that you were still here.” Ngiting sabi ko sa picture nito. “Kahit wala ka na, nandito ka sa puso namin ng mga bata. Kahit kailan hindi ka mabubura sa aming buhay. I love you, Ziggy.” Sambit ko sa aking isipan. “Kahit nandito na sa buhay namin si Patrick, hinding-hindi ko magagawang makalimutan ka.” “Mamaya ipapakilala ko sayo si Patrick. Pupuntah