PATRICK SY POV Hinatid ko na ang mga bata at Patricia sa kanilang bahay. Si Chester at Keri naman ay pumunta sa mall para ipa-print ang mga picture kanina. Habang nag-drive, may kausap naman si Patricia sa cellphone. “Sige! Pwede na yung beer. Bumili ka na rin ng samgyup set pang pulutan.” “Oo, malapit na kami sa bahay. Mukhang antok na antok na nga ang dalawa pero panay kwento pa.” “Okay, hintayin na lang namin kayo.” Pagbaba ng tawag, hinihintay ko si Patricia na magsabi sa akin ngunit wala itong salita. “What about that beer?” tanong ko. “Nagyaya si Chester uminom.” “Talagang sa maboteng-usapan talaga niya padadaanin ang lahat.” “Mas mabuti na iyon. Alam mo Patrick, para hindi ka dumaan sa ganung bagay. Bakit kasi hindi mo muna bigyan ng chance na mag-explain ang dalawa bago mo