PATRICK SY POV Habol-habol ang aming hininga, umalis ako sa ibabaw ni Patricia. Walang gabi o madaling araw kaming pinapalampas. May pagkakataon na pagod, pero hindi mawawala ang pakiramdam na hinahanap namin ang isa’t-isa. “I’m sorry. I made you tired again.” Saad ko. Hinalikan ko ang noo nito at niyakap ng mahigpit. Hinaplos lang nito ang aking pisngi. Kahit nakaangat ang ulo ko, nakapikit na ito at gusto na matulog. Ilang sandali pa at naging magaan na ang hininga nito. Nang silipin ko ito ay tulog na nga. Hanggat hindi ito tulog, hindi ako natutulog. Naging hobby ko na ang titigan ito. Ginagawa ko na nga iyon pampatulog dahil ang sarap niyang titigan sa ganitong posisyon. “Daddy, why is mommy always late?” tanong ni Zoe. “Why? Ayaw mo bang ako ang magluto ng breakfast at maghatid