PATRICIA CASTILLO POV Being away with him makes me sad. Hindi naman bago na mag-isa ako ng matagal na panahon, pero iba ngayon. Nasa alapaap ako at lumulutang sa kung saan lugar. “Imagining things.” Kung gaano katagal, hindi ko alam. Ilang oras pa lang kami magkahiwalay pero parang ilang linggo na. Iniisip ko pa lang na half-one month na hindi ko ito makita, sobrang nadadala talaga ako ng emotion ko. “Ma’am Pat?” “Ma’am Pat?” “Patricia Castillo!” Bulyaw ng isang boses. Napatingin ako sa tumawag sa aking pangalan. Matagal bago ako naka react sa kanya. “Tulala? Wala pang bente-kwatro oras parang broken hearted ka na!” Hindi ako umimik at kinuha ko ang papel na inabot ni Chloe. “Mare, nasa kabilang bansa lang ang jowa mo. Babalik yun anytime at pwede kayo mag video call. ‘Yan na yan