Chapter 34: Anger THIRD PERSON'S P.O.V Sobrang nanghihina si Dominic dahil sa natamo niyang sugat dahil sa pamamaril ni Primo sa kanya. Kasalukuyang tinitingnan si Dominic ng doctor na nagtatrabaho sa ilalim ng organization nila. At habang ginagamot ang sugat ni Dominic ay hindi maiwasang mapamura ng lalaki. Labis ang galit at inis na nararamdaman niya para kay Primo kapag naaalala nito kung paano ginawa ni Primo sa kanya ang bagay na nararanasan niya ngayon. "Boss, ayos lang ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Hudson. Kaya naman sinamaan ng tingin ni Dominic ang lalaki. "T*nga ka ba?! Nakita mo na nga na nahihirapan ako 'di ba?! Mukha ba akong maayos sa paningin mo ha?!" mariin na tanong ni Dominic. "P-pasensya na boss. Ano bang gusto n'yong gawin namin?" seryosong tanong naman ni Hud